Mahal. bibili ka?

Eto ang bagong raket namin magkakaibigan mag benta ng concert tickets ng Kamikazee at Parokya ni Edgar. Napag.isipan namin na gawin to kasi naman hindi kami pumasok ng summer class ngayon.so hanap ng pera ang gagawin namin...
ang ticket ay nagkakahalaga noon ng Php300, may libreng 2smb beer at isang smart sim.. Kapag may nakakasalubong syempre bibentahan namin ng ticket at sa kasawiang palad ang palaging sagot eto "ay mahal..hindi nalang.." at magkakandarapa kaming tatlo magpaliwanag na ganito ganyan, sige bumili ka na.. at wa epek pa rin .. napag.isipan namin na sabihin nalang namin na "may tickets kaming binebenta mahal 300 pesos ano bibili ka ba?"
pero ngayun yung 300 na ticket ay para na sa dalawang tao tapos may free beers pa at smart sim. Noon talagang hina ang benta buti ngayon meron ng nag.papareserve. lang hiya, tig-isangdaang tickets kaming tatlo tapos less than 10 percent lang ang nag.pareserve ha.. wala talagang inabot na pera.. Hayooop tong raket na to..
Naku nag.alala lang naman kami na baka kasi walang taong pupunta at manonood ng concert ng dalawang sikat na bandang ito sa aming liblib na lugar. Haay naku... sige na bili naman kayo ohh

0 comments:

About Me

My photo
Philippines
a person who wants to have a room for writing. just having a great time sharing thoughts to myself and to lovely strangers who love to read.